Close

15-foot 'monster croc', nahuli na matapos ang 8-years hunting

Sponsor ads


Nahuli na sa wakas ang isang mailap na "monster saltwater crocodile" na tumitimbang sa 600 kilograms sa Australia, matapos ang halos walong taong paghahanap ng mga otoridad.

Matiyagang pinaghahanap ng mga otoridad ang buwaya na tinatayang 60-anyos na, kung saan huli itong namataan noong 2010.

Ayon kay Northern Territory wildlife operations chief Tracey Duldig, dinala ang buwaya sa isang crocodile farm upang mapanatiling nakahiwalay sa local human population.

Kwento pa ni Duldig na ang naturang buwaya ang pinakamalaki sa mga nahuli nila sa Katherine River, kung saan may sukat ito na 15.4-foot.

Tinatayang 250 "problem crocodiles" kada taon ang nahuhuli ng wildlife rangers sa naturang lugar.

Ang saltwater crocodiles ay karaniwang nakikita sa Australia’s tropical north at may average na napapatay na dalawang tao kada taon.