Close

15-anyos na binatilyo, nalunod-patay sa ilog

Sponsor ads


BANGA, AKLAN — Patay na nang natagpuan ang isang binatilyo na nalunod sa Aklan river sa Barangay Linabuan Sur, Banga, Aklan noong Sabado.

Kinilala ang biktimang si Patrick Robelo, 15-anyos at residente sa lugar.

Napag-alaman na naligo ang biktima kasama ang mga barkada nito nang tangayin ng daloy ng tubig at napunta sa malalim at nawala pa kaya’t nagsagawa nang search and rescue.

Linggo na ng umaga nang natagpuan ang biktima.BNFM Kalibo