Close

14th month pay, posibleng makasama lang

Sponsor ads


Nangangamba ang ilang mga negosyante sa posibleng negatibong epekto ng mandatory 14-month pay.

Ayon sa ilang grupo, posible kasi itong makasama sa negosyo at ekonomiya ng bansa.

Pahayag ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) acting president Sergio Ortiz-Luis, maaari itong makaapekto sa takbo ng investment sa bansa.

Kumbinsido rin si Management Association of the Philippines vice president Donald Lim na hindi ito kakayanin ng karamihan sa mga small and medium enterprise.

Mababatid na sa Pilipinas, 99% ng negosyo at kabilang sa SME.

Ngunit ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) naman ay umaasang maaprubahan ito bago mag-Pasko.

Malaking tulong umano kasi ito sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.