Close

14th Report ni PRRD, naisumite na sa Kongreso

Sponsor ads


Naisumite na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang 14th report sa Kongreso kaugnay sa kanyang dagdag na kapangyarihan sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Nakasaad sa Bayanihan to Heal as One Act na dapat i-report ni Pangulong Duterte ang lahat ng aksyon nito kaugnay sa effort ng gobyerno sa pagtugon sa health crisis na dulot ng COVID-19.

Inaasahan namang ihahayag ni Pangulong Duterte ang desisyon nito hinggil sa bagong quarantine classifications sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Matatandaan na ini-extend ni Pangulong Duterte ang General Community Quarantine sa Metro Manila at iba pang lugar habang hinigpitan naman ang restrictions sa Cebu dahil sa tumaas na bilang ng mga positibo sa virus.