Close

14 meters high storm surge, ibinabala sa mga lugar na signal #3

Sponsor ads


Nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng storm surges na aabot sa 14 meters sa mga coastal areas na nasa ilalim ng Signal No. 3 dahil sa inaasahang paghagupit ng bagyong Ompong.

Ayon sa NDRRMC, mula sa 900,000, tumaas sa 5.2 milyong Pilipino ang maaapektuhan ng bagyo at mahigit 900,000 sa mga ito ay mahihirap.

Batay sa tala ng pamahalaan, aabot hanggang sa taas ng three-storey building ang storm surge.

Tinatayang nasa 1.2 milyong mga residente ang maaapektuhan sa Cagayan habang 1.19 milyon naman sa Isabela.

Nananatili pa ring nakataas ang signal no. 3 sa mga probinsya ng Cagayan, Batanes, Babuyan Group of Islands, Isabela, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino at Northern Aurora.

Nararamdaman na ng mga residente sa Aparri, Cagayan ang hagupit ng bagyong Ompong habang papalapit ng papalapit sa Northern Luzon.

Simula umaga kanina ay dinig na ang sumisipol na hanging dala ng bagyo habang naghahanda ang mga residente sa malakas na buhos ng ulan.

Mababatid na nananatiling nakataas ang signal no. 3 sa Cagayan.

Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Cagayan-Isabela area bukas ng umaga.