Close

13 patay sa church bombings sa Indonesia

Sponsor ads


Isang pamilya na kinabibilangan ng siyam ng taong gulang na babae ang nasa likod ng sunod-sunod na pagpapasabog sa tatlong simbahan sa Surabaya, Indonesia kahapon na ikinasawi ng 13 katao at ikinasugat ng ilang dosenang iba pa.

Ayon sa ulat, pinasabog ng ina kasama ang kanyang dalawang anak ang kanilang mga sarili sa Diponegoro Indonesian Christian Church habang tinarget naman ng tatay, at ng dalawa nitong anak ang dalawa pang simbahan sa Santa Maria Catholic Church.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagtungo sa Syria ang nasabing pamilya bago isinagawa ang pagpapasabog.

Ang nasabing pag-atake ang kinukunsiderang deadliest sa Indonesia mula noong 2005.

Ayon kay Police chief Tito Karnavian, kasapi ang pamilya sa isang Indonesian IS-inspired network na Jemaah Ansharut Daulah (JAD).

Dala ng padre de pamilya ang isang sasakyan na kargado ng mga bomba sa grounds ng Surabaya Centre Pentecostal Church.

Napigilan umano ng mga otoridad ang iba pang pag-atakeng plinano ng pamilya sa iba pang mga simbahan sa nasabing bansa.



Image from: iol.co.za