Close

12 patay sa mass shooting sa California; Suspek, dating miyembro ng US Marine Corps

Sponsor ads


Patay ang 13 tao kabilang na ang gunman at isang pulis habang dose-dosena ang sugatan matapos ang nangyaring pamamaril sa isang country music bar na puno ng college students sa Thousand Oaks, California.

Base sa ID ng gunman ay kinilala ng mga awtoridad ito sa pangalan na Ian David Long, 28-anyos, dating miyembro ng US Marine Corps.

Ayon sa mga saksi, ang gunman na may suot na itim na trenchcoat ay pumasok sa Borderline Bar and Grill at saka nagtapon ng smoke grenades bago sinimulan ang pamamaril.

Sinabi ni Ventura County Sheriff Geoff Dean na nakakatakot ang naging itsura ng lugar dahil sa nagkalat na dugo.

Kinilala naman ni Dean ang nasawing pulis na naunang nakapunta sa pinangyarihan ng pamamaril sa pangalan na Ron Helus na 29 na taon nang nasa serbisyo.

Patay na din nang matagpuan ang suspek pero hindi malinaw kung nagpakamatay ito o nasawi mula engkwentro.

Mababatid na ito na ang pangalawang mass shooting na nangyari sa Estados Unidos sa loob lamang ng dalawang linggo.