Close

112-year-old Japanese man, bagong world's oldest man - Guiness

Sponsor ads


Kinumpirma ng Guinness World Records na ang 112-year-old Japanese man ang bago ngayong world's oldest people.

Kinilala ang bagong record holder na si Masazo Nonaka.

"We are very pleased to announce that we have a new record holder for the oldest living man. Mr Nonaka's achievement is remarkable -- he can teach us all an important lesson about the value of life and how to stretch the limits of human longevity," saad ng Guinness World Records editor-in-chief Craig Glenday.

Si Nonaka, ay ipinanganak noong July 25, 1905, at mayroong anim na kapatid na lalaki at isang babae.

Ikinasal naman ito sa kanyang asawang si Hatsuno noong 1931 at biniyayaan ng limang anak.

Pinalitan naman ni Nonaka ang dating world's oldest man na si Francisco Nunez Olivera ng Spain, na namatay noong January sa edad na 113.