Close

11-anyos patay matapos malunod sa ilog sa Sorsogon

Sponsor ads


SORSOGON CITY - Matapos ang apat na araw na paghahanap ay nakuha narin ang katawan ng 11 anyos na batang lalaki na nalunod sa ilog sa bayan ng Irosin.

Sa panayam ng Brigada News Fm Sorsogon kay Mayor Alfredo Pidoy Cielo mag aalas tres ng hapon kahapon ng kumpirmahin ng mga magulang ng biktima na ang nakuhang bangkay ng mga rescuers ay ang kanilang anak na nakuha sa baybaying bahagi ng ilog sa bayan ng Juban.

Nasa stage of decomposition na ang nasabing bangkay na ngayon ay nauwi na sa kanyang pamilya sa Barangay Tabon-tabon Irosin.

Maalalang sabado ng umaga Enero 10 ng kasalukuyang taon nang maganap ang insidente kung saan nagkayayaan maligo ang nasabing biktima kasama ang iba pang kabataan sa Ilog kung saan aksidente itong tinangay ng malakas na ragasa ng tubig na epekto naman ng sunod sunod na mga naranasang pag ulan sa lalawigan.

Ito na ang ikatlong insidente ng pagka lunod sa lalawigan mula nang bagong taon dahil sa epekto ng tail end of a frontal system kung saan nakaranas ng matinding pagbaha ng ilang bahagi ng lalawigan at pagtaas ng mga tubig ilog dahil sa walang tigil na mga pag ulan.