Close

100% ng service charge para sa mga empleyado, isinabatas ng Pangulo

Sponsor ads


Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagmamandato na maibahagi sa lahat ng mga empleyado ng hotel at restaurants ang service chage na nakokolekta mula sa mga customers.

Ipinasa ng Pangulo ang Republic Act 11360 noong August 7.

Aamyendahan ng bagong batas ang Article 96 ng Labor Code of the Philippines na nagbibigay sa mga empleyado ng hotel at restaurant ng 85% ng nakokolektang service charge habang kinukuha ng management ang 15%.

Kabilang sa mga tinutukoy na managers na hindi pwedeng makakuha ng share sa service charge, ay ang gumagawa ng mga polisiya para sa pagtanggap, paglipat, pagsuspindi, pagsibak, o pagdisiplina sa mga empleyado.

Pinuri naman ni Senator Joel Villanueva ang pagkakapasa ng batas, dahil magiging daan anya ito upang ma-enjoy ng frontline service workers ang bunga ng kanilang pagsisikap, at pagbibigay ng maganda at dekalidad na serbisyo.