Close

10 patay sa gumuhong building sa Lagos, Nigeria

Sponsor ads


10 katao ang naitalang patay habang marami ang pinangangambahang na-trap matapos na mag-collapse ang isang gusali na may eskwelahan sa Lagos, Nigeria.

Ayon sa ulat, mahigit 100 mga mag-aaral ang pumapasok sa nasabing school sa top floor ng apat na palapag na gusali sa Ita Faji sa Lagos Island.

Sinabi ng mga opisyal ng building na "distressed" ang gumuhong gusali at nakatakda nang gibain.

Isa umano itong residential block na mayroong mga apartments kasama ang nasabing school.

Nasa 40 estudyante na ang nakuhang buhay ng mga rescuers.

Dumagsa naman ang ilang pamilya sa pag-asang makukuha pang buhay ang kanilang mga ka-anak mula sa mga tipak ng bato habang nagpapatuloy ang rescue operations.

Tumulong na rin sa rescuers ang mga residente sa area pero nagiging mahirap ang rescue mission dahil sa dagsa ng tao sa pinangyarihan ng aksidente.