Close

10 pang brgy sa M.Manila, ideneklara ang leptos outbreak

Sponsor ads


Karagdagang sampung barangays pa sa Metro Manila ang ideneklarang leptospirosis outbreak ng Department of Health (DOH).

Dahil dito, nasa 28 baranggay na sa kabuoan ang apektado ng naturang sakit.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang mga lugar na maraming tao at bahain, ang may pinakamalaking factor sa pagkalat, pagdami ng leptospirosis cases.

Ang leptospirosis, ay isang bacterial infection na dulot na nakukuha mula sa flood water o pagkain na kontaminado ng ihi ng daga, aso, baboy, baka at kambing.

Sa ngayon, nasa mahigit 454 ang kaso ng leptospirosis mula January 1 hanggang July 5.