Close

10 Westerners, inaresto sa Cambodia dahil sa dirty dancing

Sponsor ads


Sampung Westerners ang inaresto ng mga otoridad sa Cambodia dahil sa pagpo-post nila ng kanilang mga pornographic pictures sa social media na nakunan sa kanilang dirty dancing activities.

Agad namang naipa-deport ang pito sa mga ito matapos magbayad ng piyansa kasabay ng pagbabawal na sa kanila sa naturang bansa.

Hindi naman pinagbigyang magpiyansa ang 3 sa mga ito dahil sila ang sinasabing organizer ng event kung saan nag-dirty dancing ang grupo.

Ayon sa mga pulis, nilabag ng grupo ang Cambodian standards of morality nang lantarang gawin ng mga ito ang "pornographically dance".

Kabilang sa mga Westerners ang 5 mula sa United Kingdom, 2 Canadian, isa mula sa Norway, isa sa Netherlands at isa sa New Zealand.