Close

1.4 milyong turista, naitala sa Vigan para sa taong 2017

Sponsor ads


Aabot sa 1.4 milyong local at foreign tourist ang bumisita sa Vigan City para sa taong 2017.

Ito ay mataas ng 27.8 porysento mula sana naitalang mga turista noong 2016.

Ang siyudad ng Vigan ay kilala dahil sa well-preserved Spanish-era architecture nito kaya kabilang ang naturang heritage site sa pinaka-popular na tourist destination sa buong bansa.

Naging malaking tulong rin sa pagdagsa ng turista sa Vigan ang pagbisita rito ng Miss Universe 2016 candidates at pagpopromote nito sa social media.

Ayon kay Edred Piamonte, city events, promotion at protocol officer, karamihan sa mga millenials ay umaasa sa mga facebook account, twitter at instagram.

Samantala, inaasahan naman ang pagdoble pa ng mga turista sa Vigan ngayon taon dahil sa selebrasyon ng bicentennial ng Ilocos Sur.