Close

1 patay sa explosion sa medical bldg sa US

Sponsor ads


Isa ang patay habang tatlong iba pa ang nasugatan matapos ang explosion na naganap sa isang medical building sa Alesi Viejo, California.

Ayon sa mga otoridad, nasira sa pagsabog ang mga bintana at pader kung saan pinakamatinding naapektuhan ang ang first floor ng gusali.

Hindi pa matukoy kung ano ang naging sanhi ng pagsabog dahil walang natagpuang explosive device sa lugar habang wala ding gas leak na nakita.

Nilinaw naman ni Federal Bureau of Investigation Spokesman Mike Gifford na walang indikasyon ng terorismo sa nangyari.

Pinaniniwalaan naman ng mga otoridad na ang mga biktima ang pinakamalapit sa pagsabog.