Close

1 patay, 4 sugatan sa bumigay na steel girder sa Skyway project sa Muntinlupa City

Sponsor ads


Patay ang isang indibidwal habang sugatan ang apat na iba pa matapos na bumigay ang isang steel girder mula sa isang bahagi ng nagpapatuloy na Skyway project sa mga sasakyang dumadaan sa East Service Road sa Muntinlupa City kaninang umaga.

Sa statement ng Skyway contractor na EEI Corporation, naganap ang aksidente kaninang alas 8:50 ng umaga sa East service Road sa Barangay Cupang, Muntinlupa City.

Agad dinala ang mga biktima sa iba't-ibang ospital.

Dagdag ng contractor, mino-monitor nila ang kalagayan ng mga nasugatan at kino-kontak na ang mga kaanak ng mga ito para sa proper coordination at para sa assistance na ibibigay.

Kabilang sa mga naapektuhan ay tatlong sasakyan at dalawang motorsiklo.

Dinala ang mga sugatan sa Asian Hospital and Medical Center para malapatan ng lunas.


Image from: Muntinlupa PIO