Close

1 patay, 6 sugatan sa pagbagsak ng crane sa Texas

Sponsor ads


Isa ang patay habang ang anim ang sugatan sa pagbagsak ng crane sa Dellas, Texas.

Naganap ang aksidente sa isang apartment building at parking garage.

Ayon sa Dallas-Fire Rescue Department, nasa kritikal na kondisyon ang lima sa anim na nasugatan.

Dahil sa pagbagsak ng malaking crane ay apat na palapag ng apartment building ang nawasak.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, posibleng severe storms na may kasamang malakas na hangin ang dahilan ng insidente.