Close

1-month extension sa pagtapon ng basura sa sanitray landfill, hiniling

Sponsor ads


KORONADAL CITY - Humingi ng isang buwan na extension ang city government ng Koronadal sa pamunuan ng Local Government ng Surallah na makapagtapon ng basura sa sanitary landfill ng naturang bayan.

Sa interview ng Brigada News FM Koronadal kay City Environment and Natural Resources Officer Augustus Bretaña na hanggang ngayon ay hindi pa natapos ang sanitary landfill ng lungsod dahil na rin sa walang tigil na pagbuhos ng ulan.

Ayon kay Bretaña na pahirapan ang pagtapos ng sanitary landfill lalo na't maputik ang kalsada papuntang sanitary landfill sa Barangay Paraiso, Koronadal dahilan upang mahirapan ang mga contractor na mabiyahe ang kanilang mga heavy equipment.

Sa ngayon, nag-oovertime ang contractor upang matapos ang sanitary landfill ng Koronadal at bago pa man matapos ang 1-month extension sa sanitary landfill ng Surallah at makapagtapon na ang mga ito sa bagong sanitary landfill ng lungsod. (Tiffany Jill Trinidad)