Close

1 alcoholic drink a day, magpapaikli ng iyong buhay- Study

Sponsor ads


Lumabas sa bagong pag-aaral na kapag uminom ka ng isang alcoholic drink sa isang araw, pwede nitong mapadali ang iyong buhay ng isang taon.

Ayon sa mga researchers mula sa Britain, sa kanilang pagsisiyasat sa drinking habits ng 599,912 drinkers sa 19 bansa sa buong mundo mula taong 1964 hanggang 2010, lumabas sa pag-aaral na mas mataas ang risk na magkaroon ng stroke, fatal aneurysm, heart failure at pagkamatay ang mga umiinom palagi.

Sa Estados Unidos, isang alak sa isang araw para sa mga babae at hanggang dalawang alak para sa mga lalaki kada araw ang recommended level ng pag-inom ng alak.

Napag-alaman ng researchers na ang pag-inom ng 100 hanggang 200 grams kada linggo ay estimated na anim na buwan ang malalagas sa life span ng isang 40 anyos.

Isa hanggang dalawang taon naman ang mababawas sa life span ng tao kapag sampu at higit pang beses umiinom ng alak sa isang linggo.

Kapag 18 drinks at higit pa, mababawasan naman ng apat hanggang limang taon ang life expectancy ng tao.

Sinabi ni Dr. Jeremy Pearson, associate medical director sa British Heart Foundation, serious wakeup call na ito para sa maraming bansa.

Ayon naman kay Dr. Angela Wood mula sa University of Cambridge, lead author ng research, ang layunin ng kanilang pagsasaliksik ay maipabatid sa lahat na kapag umiinom ka ng alak, makakatulong na mapahaba pa ang iyong buhay kapag kaunti lamang ang iyong iniinom dahil mababa ang tsansang magkaroon ka ng cardiovascular conditions.

Kasama rin sa mga inaral sa reasearch ang edad, sex, diabetes status, smoking habits, at iba pang factors na konektado sa cardiovascular diseases.