Close

1 CAFGU sugatan sa bakbakan ng militar at NPA sa Bukidnon

CAGAYAN DE ORO CITY - Sugatan ang isang CAFGU o Civilian Armed Forces Geographical Unit matapos sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng militar at pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army sa Lorega, Kitaotao, Bukidnon.

Sa ipinadalang impormasyon sa Brigada News FM Cagayan de Oro ni Police Regional Office-10 Spokesperson, Police Superintendent Lemuel Gonda, na unang pinaputukan ng mga pinaniniwalaang rebelde ang 1st Special Forces Battalion Patrol base dahilan upang mag-return fire ang otoridad.

Kaagad nag-withdraw at tumakas ang mga armadong suspek ngunit naharang sila sa joint checkpoint ng pulisya at militar na nagresulta sa muling bakbakan ng dalawang panig.

Tumagal ng limang minuto ang palitan ng putok ng baril na ikinasugat ng CAFGU na si Bryant Ceriales.

Ina-alam pa rin ng militar kung may mga nasugatan o nasawi ba sa panig ng mga pinaniniwalaang rebelde.