Close

1,500-year-old na espada, natagpuan ng isang bata sa lawa sa Sweden

Sponsor ads


Natagpuan ng walong taong gulang na bata sa Sweden ang isang pre-Viking-era sword habang lumalangoy sa Vidöstern lake sa Jönköping County.

Ayon sa batang si Saga, may naramdaman siyang bagay sa tubig kaya naman inangat niya ito at ipinakita niya kanyang ama.

Inakala naman ng ama ng bata na si Andy Vanecek na nakakita lamang ng kakaibang uri ng sanga ang anak mula sa lawa ngunit natuklasan niyang ito'y isang ancient relic nang ipakita niya sa isang kaibigan.

Base sa inisyal na ulat, nasa 1,000 taon na ang tanda ng espada habang naniniwala naman ang mga eksperto ng mga lokal na museo na 1,500 taon na ang tagal nito.

Kasalukuyang nasa pangangalaga na ng lokal na museo ng Jönköping County ang naturang espada.

Bunsod nito, nagsagawa na rin ang lokal na konseho ng paghuhukay sa lugar na nagresulta sa pagkakatuklas ng isang brooch na nagmula pa sa 3rd century.

Samantala, iginiit naman ng Jönköping county museum na hindi pa tapos ang imbestigastyon sa lawa at maaaring mas marami pang sinaunang kagamitan ang matagpuan dito. - Oesile Caguiñgin