Close

1,489 alkalde suportado ang ‘surgical’ amendments ng 1987 Constitution

Sponsor ads


Ibinahagi ng Department of the Interior and Local Government na mahigit isang libong alkalde sa bansa ang sumusuporta sa "surgical" amendments sa 1987 Constitution.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, naghanda na ang 1,489 na mga miyembro ng League of Municipalities of the Philippines ng resolusyon bilang suporta sa surgical amendments, kabilang na ang pag-lift sa restrictive economic provisions sa Konstitusyon.

Dagdag ni Malaya, nakalikom ang DILG ng 555,610 signatures ng mga citizens sa kanilang ginawang roadshows sa 72 mula sa 81 probinsya sa buong bansa.

Mababatid na kahapon, muling binuksan na ng House Committee on Constitutional Amendments ang deliberasyon sa Charter change, para amyendahan ang ilang restrictive provisions at buksan ang bansa sa foreign investments.