Close

1,054 cholera death toll sa Yemen

Patuloy pa rin sa paglobo ang kaso ng cholera sa bansang Yemen, matapos umakyat na sa 1,054 ang naiulat na nasawi.

Ayon sa Yemeni health authorities, kumalat na sa 20 mga Yemeni governorates ang outbreak ng sakit sa loob lamang ng pitong buwan. Napag-alaman na maliban sa pagkalat ng sakit, problema rin ngayon ng kanilang gobyerno ang pagkukunan ng tulong para sa 19-million na naiipit sa nagpapatuloy na kaguluhan sa rehiyon,

"Less than 45 percent of the country's hospitals are operational at the moment, but even the operational ones are coping with huge challenges, on top of which is the lack of medications, medical equipment and staffs," ayon sa report.

Kamakailan lamang, inanunsyo ng United Nations International Children's Emergency Fund (UNICEF) na inaasahan pang aakyat ng 130,000 cholera cases ang maitatala sa loob ng isang buwan kung hind kaagad ito maagapan.