Close

-Gaballo, Duno llamado vs foreign foes

Sponsor ads


Muling masusubukan ang tibay ng mga pinoy boxers kontra sa kanilang mga foreign foes.

Kabilang sa mga inaabangang laban ay ang bakbakan sa pagitan ni pinoy boxing prodigy Reymart Gaballo (20-0, 17 KO's) at Japanese Yuya Nakamura (9-2-1, 7 KO's).

Tumimbang si Gaballo ng 118lbs mas magaan kontra kay Nakamura na nagtala ng 119lbs sa weigh-in para sa 10-rounds non-title bout mamaya sa Midas Hotel & Casino sa Pasay City.

Kabilang naman sa co-main event ang US- based rising star na si "Ruthless" Romero Duno (18-1, 14 KO's) kung saan makakalaban nito si two-times Amateur National Champion Kuldeep Dhanda (7-1, 1 KO).

Narito ang ibang undercard:

"Doberman" Dave Apolinario (9-0, 6 KO's) vs "The Hammer" Romshane Sarguilla (7-1-2, 4 KO's)

Presco "Carjun" Carcosia (4-0, 4 KO's) vs "Amazing" Renerio Arizala (13-8-2, 5 KO's)

"Iron Fist" Jerven Mama (8-0-1, 5 KO's) vs Mervin Lulu (5-4-2, 2 KO's)

Rolando "Momoy" Servania (7-0, 3 KO's) vs Arnel Caoctoy (6-6-1, 2 KO's)