Close

'Threat of war vs China, malinaw na scare tactic'

Sponsor ads


Panakot lamang umano ang sinasabing posibilidad na matalo ang Pilipinas sa isang gyera kontra China.

Ito ang iginiit ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio sa gitna ng isyu tungkol sa pagkontrol ng China sa ilang teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay Carpio, posibleng managot ang China sa International Criminal Court kung maglulunsad ito ng "war of aggression".

Pero obvious din umano na ang pagpapalutang ng usapin sa gyera ay panakot lang sa mga Pilipino para yumuko tayo sa China.

Giit naman ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, nagpapadala na tayo sa takot ng pwersa mula nang sabihin ng mga eksperto na di magandang opsyon na sumabak tayo sa gyera kontra Beijing.

Ngayon aniyang tiniyak na ng US na kampi sila sa Pilipinas sakaling maka-gyera natin ang China, di na kailangan pag mabahag ang ating buntot sa banta.

Ginawa ng dalawa ang pahayag sa isang forum para sa ikatlong taong paggunita ng Pilipinas sa ating panalo sa United Nations-backed Permanent Court of Arbitration kontra sa China.