Close

'May panahon pa para matalakay ang maliit na pondo para sa COVID-19 vaccine'

Sponsor ads


May panahon pa umano para matalakay ang maliit na pondong nakalaan para sa bakuna laban sa COVID-19 sa aprubado nang 2021 national budget ng Kamara.

Ito ang sinabi ni Marikina City Rep. Stella Quimbo dahil kulang na kulang umano ang P2.5 bilyong COVID-19 vaccination fund sa naipasang 2021 national budget.

Ayon kay Quimbo, maaari pa itong maamyendahan sa komite sa Kamara o kaya sa bicameral conference committee kasama ang Senado.

Aniya, napakaimportante ng COVID-19 vaccine dahil ito ang inaasahang permanenteng solusyon sa pagkalat ng COVID-19.

Dagdag ni Quimbo, sa Nobyembre 9 mag-uumpisa ang Senado sa pagtalakay sa budget.

Mababatid na bahagi si Quimbo ng binuong small committe na tatanggap at tatalakay sa mga proposed amendment.