Close

'Illegal loggers, miners, hahabulin kasunod ng malawakang pagbaha sa Luzon'

Sponsor ads


Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na tutugisin ng pamahalaan ang mga illegal loggers at miners sa ilang bahagi ng Luzon na pinalubog ng malawakang pagbaha sa kasagsagan ng pananalasa ng mga dumaang bagyo.

Ayon kay DILG Undrsecretary Jonathan Malaya, nagbigay na ng direktiba si Interior Secretary Eduardo Año para sa crackdown sa mga probinsyang apektado ng baha.

Binigyang diin ng opisyal na isang factor ang pang-aabuso sa kalikasan sa mga naranasang pagbaha sa bansa.

Kung matatandaan, ilang bahagi ng Bicol region ang nakaranas ng lahar flow mula sa Mayon Volcano nang tumama ang Super Typhoon Rolly sa Luzon, partikular sa Albay, kung saan sinisi ng mga residente ang quarrying.

Nalubog naman sa baha ang Cagayan at Isabela kamakailan kung saan illegal logging ang isa sa nakikitang sanhi.

Sinabi ni Malaya na sa susunod na taon, ipapatupad ng DILG ang proyekto para sa mga local government units para isulong ang pagtatanim ng puno sa mga constituents.

Target ng pamahalaan na magtanim ng 200 milyong puno sa buong bansa.