Close

'Ilang Solons, di tanggap ang pasya ni Duterte sa speakership'

Sponsor ads


Inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na tanggap nila ang hindi pagkakuntento ng ilang mambabatas tungkol sa naging pasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa House Speakership.

Sagot ni Chief Presidential Legal Counsel at spokesman Salvador Panelo tungkol dito, hindi naman lahat talaga ay maaaring maging masaya sa desisyon tungkol sa naging endorsement ng Presidente.

Ganunpaman, sinabi ni Panelo na nakapagdesisyon na ang Punong Ehekutibo at sa tingin niya'y pinal na ang nauna na nitong pasiya para sa ginawa nitong pag- endorso kina Cayetano at Velasco ganundin ang inirekomenda nitong 15-21 term sharing.

Nagbigay lang naman ani Panelo ang Pangulo ng kanyang suhestiyon dahil ang mga kongresista na rin naman ang lumapit sa kanya at humingi ng basbas kung sino ang sa tingin nitong dapat na maging lider ng Kamara.

Sa harap nitoy binigyang diin ni Panelo na sa bandang huli ay sila -silang mga congressmen din naman ang magbobotohan at magpapasiya kung sino ang gusto nilang tumayong lider kahit may pinili na ang Pangulo na kanyang inindorso para maging speaker of the house.// LEY BAGUIO