Close

'Agresibong testing, tracing, isolation at treatment gawin habang walang bakuna' - Hontiveros

Sponsor ads


Hinimok ni opposition Senator Risa Hontiveros ang pamahalaan na gumawa ng mga hakbang upang mapababa ang kaso ng COVID-19 matapos maitala ang mahigit 4,000 kaso ng sakit sa loob lamang ng isang araw.

Ayon kay Hontiveros hindi pwedeng mag-antay na lamang tayo ng bakuna habang patuloy na lumulubo ang bilang ng COVID-19 sa bansa.

Iginiit ng mambabatas na kailangan paigtingin ang mga health interventions kontra corona virus disease.

Dagdag pa ng senadora kailangan magkaroon ng mas agresibong testing, tracing, isolation at treatment kasabay ng pag-aayos sa healthcare system.

Kinuwestiyon din nito ang pabago-bagong paraan ng DOH sa paglalabas ng mga datus na may kaugnayan sa COVID-19.

Sinabi ni Hontiveros na napakahalaga ng mga data dahil hindi tayo makakatugon sa pandemya kung hindi natin alam ang totoong larawan ng problema.