Close

‘Kung gagawa ang US ng missiles, kami rin’- Putin

Sponsor ads


Magde-develop umano ng missiles ang Russia kung aalis ang Estados Unidos sa Cold War agreement.

Ito ang babala ni Russian President Vladimir Putin na isang paglabag sa nasabing pact.

Ginawa ni Putin ang pahayag matapos ang akusasyon ng Nato na binali na ng Russia ang Intermediate-range Nuclear Forces (INF) Treaty.

Sa nasabing pact na nilagdaan noong US at USSR, pinagbawalan nito ang dalawang bansa na gumawa at gumamit ng short at medium-range missiles.

Pero depensa ni Putin, ang akusasyon ay isang pahiwatig na kakalas ang US sa kasunduan.

Giit ng Russian leader, maraming bansa na ang nagdevelop ng armas na banned sa ilalim ng INF treaty.

Pero tila umano nagbago na ang isip ng US at nais nang magkaroon ng parehong weapon.

Kaya umano walang magagawa ang Russia kaya tapatan din ito ng missile.