Close

'Suportahan ang pagsuspinde sa pagtaas ng buwis sa 2019'- Bam

Sponsor ads


Hinimok ni Sen. Bam Aquino ang mga majority senators na suportahan ang panawagang suspendihin ang pagtaas ng buwis sa darating na 2019.

Magugunitang inihain kahapon ng minorya sa Senado ang resolusyon ng minorya para suspendihin ang pagtaas ng excise tax sa darating na Enero.

Ayon kay Aquino, kailangan nila ng lagda ng 13 senador upang pumasa ang resolusyon habang isang counterpart resolution naman ang ihahain sa Kamara sa pamamagitan ni House Ways and Means Chair Cong. Miro Quimbo.

Giit ng senador, ito ang nakikita nilang paraan upang maibsan ang pabigat na epekto ng TRAIN Law sa taongbayan partikular na sa presyo ng basic commodities at produktong petrolyo.

Dahil aniya isang force of law ang TRAIN, ay kailangan umaksyon ang ehekutibo dito sa oras na aprubahan ng bicameral conference committee ang resolusyon.

Kumpiyansa si Aquino na marami sa kanilang mga kapwa mambabatas ang susuporta sa kanilang resoluyon. // GLENN PARUNGAO