Close

'Strongest version ng anti-endo bill, ipasa' - labor groups, Hontiveros

Sponsor ads


Ikinabahala ng ilang grupo ng manggagawa na posibleng ipasa ng Kongreso ang mas mahinang bersyon ng anti-endo, para lamang maiwasan ang veto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng grupo na posibleng mas pabor pa sa malalaking employer groups ang ipapasa na panukala.

Hinimok naman ng labor groups at ni Senator Risa Hontiveros ang gobyerno na ipasa ang "strongest version" ng anti-endo bill na ginamitan ng veto ni Pangulo.

Sinabi ni Daniel Edralin, chairman ng Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagagawa, na ihahain ni Hontiveros ang pinakmalakas na panukala laban sa endo.

Sa hiwalay na pahayag ng SENTRO ay sinabi nito na ikinatutuwa nila na meron panukala ang epektibong magpapahinto sa problema ng mga manggagawa sa loob ng maraming dekada lalo na at ginamitan ng Pangulo ng veto ang "watered down" version ng Security of Tenure bill.

Mababatid na bukod sa SENTRO, ay kabilang rin sa koalisyon ang Partido Manggagawa (PM), Federation of Free Workers (FFW), National Union of Bank Employees (NUBE) at ng National Federation of Labor Unions (NAFLU) na posibleng ipasa ng Kongreso ang mas mahinang bersyon ng panukala para maiwasan ang pag-veto muli dito ng Pangulo.