Close

'Significant surge' sa COVID-19 case, ibinabala ng OCTA

Sponsor ads


Nagbabala ang OCTA Research Team sa gobyerno laban sa posibilidad ng "significant surge" sa mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region sa mga susunod na linggo, kasunod ng pagtaas sa mga social gatherings noong holidays.

Maliban dito, sinabi rin ng mga researchers na ang bagong variant ng coronavirus mula sa United Kingdom ay maaring nasa loob na ng Pilipinas, at ang "super spreader" events gaya ng Pista ng Itim na Nazareno, ay maaring naka-contribute sa posibleng surge.

Dahil dito, hinimok nila ang pamahalaan na taasan ang testing, paigtingin ang contact tracing, palakasin ang capacity ng healthcare system para paghandaan ang potential outbreaks, at bilisan ang pagbili ng ligtas at epektibong COVID-19 vaccines at pagpapatupad ng immunization program.

Batay sa datos ng Department of Health, sinabi ng research team na ang reproduction number ng virus, na nagsasaad ng average number ng mga tao na nahawa sa naturang sakit mula sa infected person, ay tumaas ng 1.17.