Close

'Sara, wag magpabuyo sa panawagang tumakbo sa 2020 presdntl. polls'

Sponsor ads


Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Davao City mayor Sarah Duterte- Carpio na huwag magpabuyo sa mga panawagang nanghihimok sa kanya upang tumakbo sa pagka-Presidente.

Sa naging talumpati ng Chief executive sa Cagayan de Oro city kagabi, inihayag nitong sinabihan na niya ang kanyang anak na mas makabubuting huwag magpadala sa mga spekulasyon na ito’y tatakbo sa pagka-Pangulo.

Mababastos lang aniya si Mayor Sarah at hindi nito makokontrol ang gagawing pagyurak at kawalan ng respeto ng mga kalaban gaya halimbawa ng mga pulitikong wala ng ginawa kundi ang pumuna ng pumuna gaya ni outgoing Senator Antonio Trillanes.

Kung siya nga ang tatanungin, sinabi ng Pangulo na labis niyang pinagsisisihan ang naging desisyon niyang tumakbo nuong 2016 presidential elections.

Kaya payo sa anak na alkalde, huwag nang magtangkang tumakbo sa 2022 sa harap ng mga naglulutangang lulusong ito sa pagka- pangulo tatlong taon mula ngayon.// LEY BAGUIO