Close

'Russia, handang magbigay ng submarines sa Phil. Navy'

Sponsor ads


Handa umano ang Russia na magbigay sa Philippine Navy ng dalawang kilo-class diesel electric submarines.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kung saan nag-alok pa umano ang Moscow ng soft loan kung kakapusin ang gobyerno sa pondo para sa submarine acquisition project ng Navy.

Ayon sa ulat, nakatakdang bumisita si Lorenzana sa Russia sa susunod na linggo.

Sa oras umanong mapanalisa ang kasunduan, matatapos ang submarine acquisition project sa loob ng isang taon at agad na sisimulan ang konstruksyon ng sub surface warship.

Dagdag ni Lorenzana, bukod sa Moscow, tinitignan din ng pamahalaan ang mga submarine suppliers mula Europe gaya ng France, South Korea, at Germany.

Pero nais umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na manggaling sa Russia ang kauna-unahang submarine ng Navy.

Mababatid na una nang sinabi ni Lorenzana na hindi kumpleto ang Pilipinas kung walang submarine ang national defense bilang mayroong maritime territory ang bansa.