Close

'Quarantine cakes' na may health slogans patok online

Sponsor ads


Patok sa mga netizens ang kakaibang gimik ng isang bakery sa California sa gitna ng nararanasang corona virus pandemic.

Ito'y matapos na mag-viral ang kanilang 'Quarantine Cakes' kung saan nakasulat ang mga mensahe at paalala para makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.

Kabilang sa mga slogan na nakalagay sa kanilang cake ay "wash your hands," "don't touch your face" at "pretend you're an introvert."

Ayon sa Butter& bakery sa San Francisco available ang kanilang cake para take-out at delivery orders lamang.

"In times of social isolation and fear, it's human connection, acts of love, and comfort food that will get us through it," nakasaad sa Instagram post ng bakery.