Close

'Plano para maibsan epekto ng mabagal na economic growth, sinulong'

Sponsor ads


Imininungkahi ni Senator Risa Hontiveros ang anim na policy prescriptions na makakatulong upang maiwasan ang negatibong epekto ng mabagal na paglago sa ekonomiya.

Ito ay matapos na umabot lamang sa 6% ang gross domestic product ng bansa sa second quarter ng 2018; mas mabagal ito kung ikukumpara sa 6.6% noong 1st quarter ng taon at 6.7% ng second quarter noong 2017.

Ayon kay Hontiveros, dapat ay matigil pansamantala ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law hangga't hindi nakokontrol ang inflation habang ang sobra-sobrang revenues mula sa krudo noong mga nakaraang buwan ay dapat magamit bilang pondo sa pagpapaigting ng safety nets.

Pangalawa naman ay sinabi ni Hontiveros na dapat ay magkaroon ng pagbabago sa rice policy.

Pangatlo sa listahan ng Senadora ay ang tinawag nito bilang Speed, Speed, Speed kung saan ay dapat anya ay mapabilis ang Build, Build, Build program ng gobyerno kahit mahigipit na tinututulan nito ang mga malalaking loans para sa nasabing proyekto.

Hiniling din ng Senadora na magkaroon ng umento sa sahod ng mga manggagawa; matiyak ang cash transfer sa 10-milyong mahihirap na pamilya; at mabawasan ang Value-Added Tax (VAT).