Close

'Petmalu' accountancy class sa Ateneo de Davao nagtapos ng Latin honors

Sponsor ads


Nagtapos ang isang buong section ng accountancy students mula sa Ateneo de Davao University na mayroong Latin honors.

Ang Section 5A ay kinabibilangan ng 9 summa cum laude, 20 magna cum laude at 15 cum laude graduates.

Ayon kay Erick Sagot, class salutatorian at isa sa mga summa cum laude, walang nag-akala sa kanila na makukuha nilang lahat ang pagtatapos na mayroong "flying colors" pero dahil umano sa kanilang group studies at team work ang naging susi ang tagumpay ng buong klase.

Ayon sa naturang paaralan, ito angunang pagkakataon sa kanilang unibersidad na nag-graduate ang isang class na mayroong Latin honors.