Close

'Pessimism ng mga Pinoy, naiintindihan ng Malacañang'

Sponsor ads


Kinilala ng Malacañang na mayorya ng mga Pilipino ay pessimistic o inaasahan nang titindi pa ang epekto ng COVID-19 sa bansa.

Ginawa ni presidential spokesperson Harry Roque ang pahayag matapos ang Social Weather Stations (SWS) poll nitong Hulyo kung saan lumabas na 57 percent ng mga Pinoy ay naniniwalang may dadating pang mas malala sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Tumaas ito mula sa 47 percent noong Mayo.

Ayon kay Roque, naiiintindihan ng Palasyo ang pessimism ng ating mga kababayan dahil napakahirap ng idinulot ng virus.

Pero naniniwala ang kalihim na tapos na ang "worst" na pangyayari sa bansa at kaya lamang naman bumagsak ang Pilipinas dahil isinara ang ating ekonomiya.

Ipinaalala naman ni Roque ang sinasbai ni Pangulong Rodrigo Duterte na basta't pag-ingatan lamang ang kalusugan para makapaghanap buhay ang lahat at magtatagumpay din tayo sa laban kontra COVID.

Mababatid na sinimulan na ng gobyerno na paluwagin ang restrictions noong Hunyo para unti-unting buhayin ang ekonomiya na sumasadsad sa recession ngayong taon bunsod ng pandemya.