Close

'Pagpapatalsik sakin, isang 'judicial suicide'- Sereno

Sponsor ads


Hindi umano nawawalan ng pag-asa si ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno na mababaliktad pa ang desisyon ng Korte Suprema na patalsikin sya sa pwesto.

Ayon kay Sereno, malinaw naman na unconstitutional ang posisyon ng mga pumabor sa quo warranto petition laban sa kanya na matatawag na judicial seppuku, o judicial suicide.

Dagdag ng napatalsik na Chief Justice, marami nang pagkakataon na nabaliktad ang posisyon ng SC kaya't mataas ang pag-asa nyang mababaliktad pa ang desisyon nito laban sa kanya.

Hindi rin umano susuko si Sereno sa pakikipaglaban para sa karapatan ng bansa.

Samantala, muli ring nanindigan ang napatalsik na punong mahistrado na wala syang kasalanan at hindi sya binigyan ng due process kaugnay ng mga alegasyong ibinabato sa kanya.