Close

'Pagkalugi ng PH, posibleng umabot sa P1.8-T ngayong taon'

Sponsor ads


Posibleng umabot sa mahigit sa P1.8-trillion ang lugi n g Pilipinas ngayong 2020.

Sa pagsisimula ng budget deliberation sa 2021 budget sa Senado ngayong umaga, sinabi ni Senate Pro-tempore Ralph Recto na posibleng tumaas pa ang pagkalugi ng bansa sa ekomomiya dahil sa COVID-19 pandemic at sunod-sunod na sakuna na tumama sa Pilipinas.

Tinanong din ni Recto si Finance Committee Chairman Sen. Sonny Angara kung ilang porsiyento ang posibleng ibagsak ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Angara sa kanilang tantiya kasama ang DBM ay maaari itong umabot ng hangang -10%.

Samantala pinuna naman ni Recto ang umano'y underspending ng gobyerno sa 3rd quarter ng taon na mas lalong nagpalala sa ekonomiya ng bansa.// LEY BAGUIO