Close

'Pagbisita ni Pope Francis sa NoKor, paghahandaan'

Sponsor ads


Isa umanong panagarap na pwedeng makamit ang pagbisita ni Pope Francis sa North Korea.

Ito ang inihayag ng Senior South Korean bishop Lazarus You Heung-sik dahil kung maisasakatuparan aniya ay malaking hakbang para sa kapayapaan sa Korean Peninsula ang gagawing pagbisita ng Santo Papa sa Pyongyang.

Ginawa ng obispo ang pahayag bago ang nakatakdang meeting nina Pope Francsis at South Korean President Moon Jae-in sa Vatican sa susunod na linggo kung saan ipapadala ang imbitasyon mula kay NoKor leader Kim Jong Un.

Ayon pa kay Lazarus, pwedeng maging normal na bansa ang tingin ng world community sa North korea lalo na ngayong naka-amba ang nasabing inisyatibo.

Positibo naman ang obispo na pakikinggan ni Pope Francis si Moon tungkol sa sitwasyon sa Korean Peninsula sa gagawing pagkikita sa October 18.