Close

'Pagbaril sa pe** remarks' ni Duterte, di dapat seryusuhin- Palasyo

Sponsor ads


Hindi umano dapat bigyan ng literal na kahulugan ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na babarilin sa maselang-bahagi ng katawan ang mga babaeng NPA members.

Ito ang naging tugon ni Presidential Spokesman Sec. Harry Roque matapos umani ng batikos ang naging statement na ito ng Pangulo.

Ayon sa kalihim mahigit isang taon na ang punong ehekutibo sa posisyon pero tila hindi pa rin nasanay ang mga kritiko sa istilo ng pananalita ng Pangulo.

Nais lang naman umanong iparating ng presidente na dahil wala nang peacetalks ay handa ang gobyerno na makipag-digma sa mga rebeldeng NPA.

Binigyan diin ng kalihim na hindi dapat seryusuhin ang naturang pahayag ng chieg executive dahil kung wala umano itong pagmamalasakit sa mga kababaihan ay hindi sana nito ipinag-utos ang deployment ban sa Kuwait dahil sa mga pang-aabuso sa mga pinay domestic workers ng kanilang mga amo.