Close

'Pagbabago sa bansa, kinakailangan na matapos ang magkakasunod na bagyo'

Sponsor ads


Naniniwala ang aktres na si Kim Chiu na kailangan na ng pagbabago sa bansa matapos ang pananalasa ng mga bagyong Rolly at Ulysses sa bansa.

Para kay Kim, ay mangyayari lamang ang pagbabago kung magpapakita ang mga lider ng bansa ng "care" sa lahat ng tao.

Kasalukuyan naman nagpaplano si Kim ng benefit concert upang makatulong sa mga biktima ng dalawang bagyo.

Balak ni Kim na imbitahan ang ilang YouTube content creators para sumali sa kanyang virtual concert.

Mababatid na hindi ito ang unang pagkakataon na nagpahayag si Kim ng pagkadismaya sa gobyerno.

Noong July, kasabay ng ika-5 State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ibinahagi ni Kim ang litrato ng mga babaeng leaders ng iba't-ibang bansa kung saan ay naging matagumpay ang pagkontrol sa pagkalat ng COVID-19.

Nilagyan ni Kim ito ng caption na #SanaAll welfare ng tao ang iniisip mahirap man, middle class man o mayaman...Mga tao muna bago ang sariling agenda".