Close

'Pag-endorso sa senatorial bets na naharap sa kasong katiwalian, walang mali'

Sponsor ads


Dinipensahan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang desisyon ng regional party nito na Hugpong ng Pagbabago na i-endorso ang dalawang dating mambabatas na dawit sa multibillion-peso Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Plano ng mga dating senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada na bumalik sa Senado sa ilalim ng koalisyon ng administrasyon.

Iginiit ng presidential daughter na naabswelto na sa kasong plunder si Revilla habang wala pang resulta ang kinahaharap na kaso ni Estrada.

Ayon kay Duterte-Carpio, maari lamang i-husgahan ang isang tao kung may pinal nang hatol ang korte.

Samantala, sa mga talumpati nina Revilla at Estrada sa campaign kick-off ng HNP ay pareho nilang binatikos ang administrasyon ni dating pangulong Benigno Aquino III.