Close

'PH economic growth, mapapanatili sa susunod na 3 taon'

Sponsor ads


Positibo ang World Bank na mapapanatili ng Pilipinas sa susunod na tatlong taon ang mabilis na paglago ng ekonomiya kahit na inaasahang babagal ang public investments.

Ito ang nakasaad sa January 2018 Global Prospects report ng World Bank kung saan nakikita umanong mananatiling fastest-growing economy sa Association of Southeast Asian Nations (Asean) ang Pilipinas.

Batay sa projection ng World Bank, tataas ang gross domestic product (GDP) ng bansa ng 6.7 percent sa 2018 at 2019 bago ito bumaba sa 6.5 percent sa 2020.

Mas mababa ang naturang forecast sa target range ng gobyerno na 7 hanggang 8 percent na annual GDP growth mula 2018 hanggang 2022.

Batay din sa report, napalakas ng public-private partnership ang capital accumulation ng bansa na positibo ang epekto sa infrastracture projects.

Dahil dito, kayang pondohan ng Pilipinas ang infrastrastructure projects dahil sa karagdagang revenues.

Nakatakdang i-anunsyo ng pamahalaan ang 2017 fourth quarter at full year GDP performance ng Pilipinas bago matapos ang Enero.