Close

'P150-B, balak i-realign ng Palasyo para sa COVID-19 response'

Sponsor ads


Tinatayang nasa kabuuang P150 bilyong pondo mula sa iba't-ibang ahensya ng gobyerno ang maaaring i-realign para COVID-19 response ng pamahalaan.

Ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pahayag isang linggo matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Budget Secretary Wendel Avisado na suriin ang budget ng bawat departamento para makakuha ng pondo sa paglaban ng bansa sa pandemic.

Sa isang panayam, sinabi ni Roque na pinag-aaralan pa nila kung paano gagastusin ang nasabing halaga dahil kapag magkulang ito, kailangang humiling ng Malacañang ng supplemental budget mula sa Kongreso.

Gayunman, aminado ang kalihim na mahirap humiling ngayon ng supplemental budget dahil mababa ang tax collection bunsod ng lockdown.

Ito aniya ang dahilan kaya nagdesisyon si Pangulong Rodrigo duterte na pabuksan na ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) pero wala itong naitutulong sa ngayon dahil marami silang mga di pa nababayarang tax sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Gayunman, naniniwala si Roque na malalagpasan ng mga Pilipino ang pandemic dahil sanay tayo sa mga hamon.