Close

'Ofel' nakalabas na ng PAR, habagat magpapaulan sa bansa

Sponsor ads


Tuluyan nang nakalabas sa Philippine Area of Responsibility ang Tropical Depression "OFEL" habang patuloy na tinatahak ang West Philippine Sea.

Huli itong namataan 500 West of Iba, Zambales taglay pa rin nito ang lakas na aabot sa 45 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 km/h habang kumikilos pa-west-northwest sa bilis na 25 km/h.

Dahil dito tinanggal na rin ang tropical cyclone signal sa alinmang bahagi ng bansa.

Samantala patuloy pa rin uulanin ngayong araw ang ilang lugar dahil sa habagat kabilang na ang MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao, Bangsamoro, at Zamboanga Peninsula.

Pinag-iingat ang nabanggit na mga lugar sa posibleng mga pagbaha at landslide.