Close

'No vaccine roll out, no MGCQ muna' -Duterte

Sponsor ads


Kinumpirma ni Sen. Bong Go na ibinasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mungkahing pagsasailalim sa buong bansa sa mas maluwag na quarantine status, habang hindi pa umano nasisimulan ang rollout ng COVID-19 vaccine.

Mababatid na iminungkahi ni acting socioeconomic planning Secretary Karl Chua ang pagsasailalim sa buong bansa sa modified general community quarantine, upang maagapan ang kahirapan at income loss sa gitna ng pandemic.

Kaugnay nito, suportado rin ng mayorya ng mga alkalde sa Metro Manila at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang MGCQ.

Pero sa panig ng mga eksperto, delikado parin ang pagluluwag sa quarantine restriction dahil sa patuloy pa nadadagdagan ang kaso ng COVID-19, pagkaka-detect ng mutation at bagong variant, at hindi pa nasisimulan ang pagbabakuna.