Close

'Mysterious disease' mula China, mahigpit na binabantayan ng DOH

Sponsor ads


Ipinag-utos ni Health Secretary Francisco Duque III ang mahigpit na pagbantay sa mga papasok na travelers sa gitna ng ulat ng "mysterious disease" mula sa China.

Ang kautusan ay ibinigay sa Bureau of Quarantine (BOQ) kung saan isinailalim ito sa alerto at mahigpit na binabantayan ang mga seaports at airports.

Dahil dito, mahigpt na susuriin ng BOQ ang mga travelers na mayroong lagnat at mga sensyales ng respiratory infection.

Batay sa ulat, ang outbreak ng sinasabing mysterious illness—na kahalintulad ng "viral pneumonia of unkown origin"—sa China ay nakaapekto na ng nasa 44 indibidwal.

dahil dito, hinimok ng DOH ang publiko lalo na ang mga history ng travel mula sa China na ang komunsulta, lalo na kung may nararanasang flu-like symptoms.